Ako lang ba? Ako lang ba yung ilang araw lang kaming di nagkita ng jowa ko pero miss ko na agad sya? Pero seryoso. Miss ko na sya. Mahigit 1 month din kasi talaga kaming di nagkita puro texts and calls lang. Tapos nung nagkita naman kami nung 4, kasama family ko. Di naman sa malandi, pero malandi na nga haha, lam nyo yun, parang di pa rin sulit kasi sobrang pagod ako ng ilang days before yun at wala pa akong maayos na tulog for 3 days kaya nung nagkita kami, nagtutulog lang ako sa van hehe tsaka nakakahiya lumandi sa harap ng pamileh haha kaya behave lang ako non, baka masampal ako ng nanay ko, di pa ko pwede palayasin, nakaasa pa ako pati pambili ng napkin ko sagot pa ng nanay ko hahahaha gustuhin ko mang maglandi pero di ko alam pano isisingit sa oras ko, kala mong busy eh. Pero ayun nga mej busy talaga kasi nagbabasa basa ako, eh sobrang wala namang laman utak ko nung gumraduate ako kaya laking adjustment kasi kailangang magkalaman ang utak. Kaya di ako naniniwala na kailangan daw mag exam agad para mas fresh yung utak sa mga natutunan nung college, eh DUHHHHH, wala naman akong natutunan non, seryoso hahaha matinding basa talaga kailangan. Kaya nakakakaba, nakakatakot mag exam. Ayun, share lang