
Bryan,
Sabi nila habang tumatagal ang relasyon, nababawasan ang love para sa isa’t isa. Pero mali sila! Kasi habang tumatagal, mas minamahal kita. Ewan ko! Pero parang habang tumatagal, namimiss kita. Kahit last month lang halos linggo linggo tayong nagkikita, araw araw naman tayong magkatext, magkatawagan, pero…namimiss pa rin kita. Wala lang! Walang dahilan. Lagi ka naman nandyan, hindi man physically pero alam kong lagi kang nandyan para sa akin. Siguro, sobrang mahal na mahal lang kita. You always support me for what I want! Never mong pinaramdam sa akin na I’m not capable of doing such things. At higit sa lahat never mong pinaramdam sa akin na pangit ako or mataba ako. Lagi mong sinasabi at pinaparamdam sa akin na ang ganda ko. Why did I write this? Wala lang. Miss lang kita hahahaha. I know, you can’t read this, but I just want to tell you that I love you so much. That’s why I easily get jealous kahit wala namang dapat pagselosan haha.
With all my heart,
Ciela💓
Happy father’s day daddy. Kahit na may misunderstanding po tayo ngayon, gusto pa rin po kitang batiin. Alam kong di mo to mababasa, pero ito pa rin.. I’m sorry kung hindi po katulad nyo ang gusto kong maging future husband, sino ba naman po ang may gusto na magkaron ng broken family di ba? Pero okay lang po, di naman kita sinisisi kung bakit ganito tayo ngayon. Pero kung may bagay man po ako na pinaka nagustuhan ko po sa pagpapalaki nyo sa amin ni ate, iyon po yung pinalaki nyo kami na hindi dapat masyadong umasa sa ibang tao at maging disiplinado. Alam ko po na hindi ako perfect daughter, pero i’m trying my best to be a good one kahit na medyo may sama po ako ng loob sa inyo. Pero, ano naman po ang karapatan kong magalit or magtanim ng sama ng loob sa inyo di ba? Eh anak nyo lang naman po ako. Kaya sorry po kung di ko maiwasang magalit sa inyo. Thank you rin po sa mga nagawa nyo para sa amin ni ate, naappreciate ko po yung sacrifices nyo para lang mapag-aral kami ni ate. Hindi ko man po masabi sa inyo, pero miss na miss ko na po yung sinangag nyo pati na rin po yung sweet and sour fish na niluluto nyo pag bakasyon nyo po dito sa Pilipinas, at higit po sa lahat, miss ko na po kayo. It’s been almost a year and a half since the last time I saw you. Alam nyo po minsan, naiinggit po ako pag may nakikita akong bata na close sa daddy nila kahit po nasa abroad din yung tatay nila, pero okay lang po, hindi lang po siguro talaga kayo showy. You may be the first man to broke my heart, but I know, in the end, you’re always here for me. Happy father’s day again daddy.