August 30, 2017

Earlier was CAS’ team building. Pero syempre, di ako umattend. First, ayoko lang. Second, feeling ko di ako mageenjoy. Third, mas gusto kong makasama dyowa ko haha makita ko lang yun nawawala stress ko, oa man pakinggan, eh iyon na yun eh haha. Fourth, gusto kong panoorin yung Annabelle and Love you to the stars and back. And sulit yung pera na pinampanood, promise. Parehong maganda. Galing umarte ni Joshua and Julia. Dala kayong tissue pag manonood kayo, ‘di ko alam kung mababaw lang ba talaga luha ko or nakakaiyak lang talaga haha. Yung Annabelle naman, pati ako natatawa sa sarili ko. Yung napapataas na lang ako ng paa sa upuan sobrang kaba hahaha. Ayokong mag spoil. Try nyo po panoorin kung gusto nyo lang haha. Sulit ang di ko pagsama sa team building, no regrets. Most especially dahil nakasama ko na naman si Bryan, na di ko madalas makita dahil sa distance and conflict sa time. Bonus pa yung sobrang ganda ng movies na napanood namin.

P.s. wag nyo po akong isumbong please haha P.p.s. baka nagtataka kayo kung bakit ngayon ko pa tinaon, as what I’ve said. Lagi kaming nagkakaconflict sa time. Ngayong buong week wala syang pasok, may free day din sya next week kaso ako yung wala dahil puro exams. Wala lang, ang defensive eh no? Hahaha