Dahil malapit na naman ang CAS Days, sinabihan kami ng prof namin na mag-isip ng mga booths. Dahil gusto namin nang nahihirapan (charot, nagsisisi talaga kami), nagsuggest sila ng Mystery booth, yung parang sa Breakout Manila. So ayun, ang hirap magplano bes, idagdag mo pa na kailangan naming gumawa ng video na ipapanood sa audience bago pumasok sa escape room. Hassle! May thesis pa kami. Edi ayun na nga, nakapag video na kami, may poster na. At maganda pagkakagawa at pagkakalay out. Talagang kung titingnan mo, kala mong kay ganda ng maaabutan nila sa escape room haha. Ang naging problema naman namin is yung set up at mga mystery (hanggang ngayon nga wala pa ring mystery eh haha). Hayyy, baka umasa mga students dahil sa advertisement namin hahaha. Kung alam nyo lang. Please wag kayong umasa, masasaktan lang kayo. Parang umasa ka sa crush mo na di ka naman crush!