August 21, 2017

Dahil holiday ngayon, syempre time na naman para maglumandi haha. So ayun, we watched Patay na si Hesus, at ang ganda ng movie grabe. Nakakalungkot lang din kasi konti lang yung nanood, dahil mas pinilahan yung mas sikat. Bakit ganon mga tao? Porke’t sikat at trending, yun ang panonoorin? Try nyo po panoorin yung ibang entry. Gaganda. After naming manood, kain lang sa Jollibee. Yieee namiss kong kumain sa Jollibee kasama sya. 2 years na yata from now since nung last time na nag jollibee kami at sa walter sta. maria pa yun. Ang saya lang, kasi bihira lang talaga kaming makaalis. San rafael and sta. Maria naman kasi. Distance din.

Syempre, kahit busy, sa school, sa bahay, kailangan pa rin magka time sa boyfriend/girlfriend. Di natin sila pwedeng iset aside dahil alam natin na naiintindihan nila tayo. Oo, pwedeng naiintindihan nga nila tayo, pero baka dumating sa point na masanay na sila or magsawa. Kailangan din kasi ng time and communication ng isang relationship bukod sa loyalty and honesty. Yun lang. Share lang