Biochem article project

So ito guys, di ako makapaniwala hanggang ngayon na kasama sa top 5 yung article ko. Kasi para sa akin, nonsense yung mga sinasabi ko don haha. Di talaga ako magaling sa creative writing, promise! Mas gusto ko pa mag layout kahit na MS Word lang gamit ko kaysa magsulat haha! I chose to share this kahit na medyo confidential yung ibang part. Pero bakit naman ako mahihiya sa bagay na totoo naman, di ba? And for health purposes naman yun eh. And I don’t even need to explain haha.

Story behind my article? About the hugots? Wala lang yun haha. Kahit nga mga kaibigan ko, nagtataka sila na ang saya naman ng lovelife ko pero kung makahugot ako akala mo naman nasaktan na haha. Kailangan ba munang masaktan para matutong humugot? Di ba?

At isa pa, akala ko talaga, nung una, pangit article ko kasi nag post yung prof ko ng “Laughtrip! Graciel Legados is that really a blog?” eh nabasa ko sya ng kagigising ko pa lang at sobrang pagod dahil napuyat ako sa paggawa and may check up pa ako nang araw na yun, kaya ayun, kinabahan ko sabay chat sa prof ko. Tinanong ko si sir kung mali ba or dapat ko bang baguhin blog ko. Kasi nga akala ko parang tingin ni sir na di ko sineryoso yung project. Yun pala, na misunderstood ko lang. Tinatanong nya lang pala kung totoong blog ko daw pala yun haha. Pero hindi, itong tumblr lang naman ang blog ko haha.

Share lang. Sobrang naoverwhelm kasi ako eh. I didn’t post this to brag. Sobrang natuwa lang talaga ako. Yun lang! Thank you for reading this nonsense post of mine! Have a nice day!