What's on my mind?

Mahirap pala maging Psychology student kung ikaw mismo hindi mo kayang iapply yung mga natututunan mo.

Yes, i’ve been studying Psychology for almost 3 years and a half. Pero kapag nagkaka anxiety or nasstress ako dahil sa irregular menstruation ko, wala akong magawa kundi maging emotional. Sabi sa lesson namin, positive thinking lang daw at controlling your thoughts para di ka mastress, “mind over matter” nga din daw, nasa isip lang natin yun. I already tried it, pero hindi talaga maalis sa isip ko yung mag-alala lalo na pag may nararamdaman ako. I’ve tried different ways para madivert sa iba yung attention ko, minsan effective, madalas hindi. Madalas, nakikita ako ng mga tao na masaya, pero habang nagsasaya ako, di ko pa rin maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Sa ganitong sitwasyon, naiisip ko talaga, na may mga bagay na medyo madaling pag-aralan, pero kapag naeexperience mo na, nababalewala lahat ng natutunan mo.

But still, okay din yung may alam ka sa field ng Psychology. Kasi, medyo nababawasan kahit papano yung stress at mas nagiging aware ka sa sitwasyon mo. Wag kayong mag-alala, di pa po ako nababaliw hahaha. Im just sharing my thoughts haha.