“Hindi mo ako nakita nung nakakakita ka pa. Pero nakita mo ako nung hindi ka na nakakakita.”

Ito yung isa sa mga linya sa “Kita Kita” na di ko makakalimutan. Bakit? Bakit nga ba nakikita lang natin ang isang tao at halaga ng isang tao kapag wala na ito. Napapansin lang natin ang isang tao kapag di na natin sya nakikita, doon natin narerealize na “Ay mahalaga to sa akin” o di kaya “Bakit ngayon lang ‘to dumating?” pero ang hindi natin alam, matagal na siya/sila na nandyan para sa atin, bulag lang tayo sa iba o sa ibang bagay kaya hindi natin sila nakikita. Parang sa relasyon lang din yan, (wala po akong hugot, base lang po ito sa mga nakikita ko haha), kapag kayo pa, kapag nandyan pa yung boyfriend/girlfriend mo, madalas mo syang nababalewa, madalas mo siyang naiseset aside, kadalasan, nasa pinakahuli siya ng priorities mo. Pero kapag dumating yung araw na naghiwalay kayo, kapag nagsawa na siya sa'yo, doon mo marerealize na sana pala hindi mo siya binalewala, doon mo marerealize kung gaano mo siya kamahal at kung gaano siya kaimportante sa'yo.