Naalala ko lang, nung nakaraang araw, tinanong ako ng professor namin kung ano yung parang ayaw ko sa boyfriend ko. I said, “Wala po, baka nga po sya pa po yung maraming aayawan sa akin eh. Siguro po kung meron man, siguro yung sorry sya ng sorry sa akin kahit di naman nya kasalanan.” Tinanong din ako ni ma'am kung ano yung dahilan ng una naming pag-aaway, sabi ko rin na “Wala po yata, kasi di naman po kami nag-aaway, ako lang po yung nang-aaway.” hahaha honestly, I WASN’T KIDDING. Whatever I shared from my professor and my classmates are all true. Parang ang sama kong girlfriend kung titingnan, pero okay lang, kasi yun talaga si Bryan, mabait, pasensyoso, siguro kung nagrarange ang patience ng 0-10, 100 yung kanya haha. He’s somehow, too good to be true. Madami ang hindi naniniwala na ganon sya kabait sa akin, pero yun ang totoo. Never kaming nag-away, dahil laging one sided lang, ako lang ang galit. At pag nagalit ako, sorry na siya ng sorry non, at dahil may pagka brat ang ateng nyo, mas magagalit pa ako o maiinis kasi wala naman siyang kasalanan pero sorry sya ng sorry. Maybe, you’re thinking that I don’t deserve him. Well, I also do. Sa sobrang bait nya, minsan naququestion ko si Lord, kung bakit napakabuting lalaki ang ibinigay nya sa akin haha but I also thank God for giving me Bryan. Sa 3 years namin as bf/gf, di rin naman perfect o ni almost perfect ang relationship namin. We almost broke up when we’re only just starting our relationship, and ang dahilan, ako lang naman haha. At ang dahilan ko, naiinis lang ako.
But he isn’t boring, he got sense of humor. Masaya siyang kasama. And like most relationships, nagmumurahan din kami, pero biruan lang. Never dumating sa point na minura nya ako or minura ko sya ng galit.
Naisip ko lang kung gaano ako kaswerte sa kanya, siguro I’ll try harder to always keep myself calm haha. Mahirap na, baka magsawa sya sa pagka moody ko eh haha. Why do I posted this? Wala lang. Sobrang naappreciate ko lang sya. Thank you, B! I always see how beautiful my life would be in the future with you. I love you!